Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng mahigit 5,000; 150 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, May 26 ay 1,193,976 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,310 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,127,770 ang gumaling o katumbas ng 94.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,408 na gumaling.
46,037 naman ang active cases o katumbas ng 3.9 percent.
20,169 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.69 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 150 pang pumanaw.