BREAKING: Trainer aircraft bumagsak sa La Union; 25-anyos na estudyanteng piloto patay
Nasawi ang isang 25-anyos na estudyanteng piloto nang bumagsak ang sinasakyang Tecnam P-2010 aircraft sa Brgy. Urayong Bayan, Bauan, La Union.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nasa solo cross-country flight ang estudyante piloto nang mag-crash ang P-2010 aircraft (RP-C8230).
Ang biktima ay estudyante ng First Aviation Academy sa Subic.
Nagtalaga na ng team ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board investigators para matukoy ang ugat ng aksidente.
Batay sa flight plan, ang flight ay umalis sa Iba airport sa Zambales, at patungo ng La Union at Lingayen airports bago bumalik ng Iba.