OCTA inirekomendang palawigin ang GCQ status sa NCR Plus hanggang sa susunod na buwan

OCTA inirekomendang palawigin ang GCQ status sa NCR Plus hanggang sa susunod na buwan

Inirekomenda ng OCTA Researh Group na panatilihin ang General Community Quarantine sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan hanggang sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Prof. Guido David at Fr. Nicanor Austriaco, mataas pa ring maituturing ang kaso ng COVID-19 sa NCR Plus kahit pa may bahagya nang pagbaba.

Magugunitang hanggang sa katapusan ng Mayo ay pinairal ng IATF ang GCQ with heightened restrictions sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Naniniwala ang OCTA na maaga pa para paluwagin ang restrictions sa NCR Plus.

Ani David, noong Pebrero ay 400 na kaso lamang ang naitatala sa Metro Manila kada araw.

Sa nakalipas na ilang linggo, ay umaabot pa aniya sa 1,099 ang naitatalang average COVID-19 daily cases sa NCR.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *