Lider ng isang Japanese Organized Crime Group, arestado ng NBI
Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Japanese national pinuno ng isang Japanese Organized Crime Group.
Ayon kay NBI OIC-Director Eric B. Distor ang suspek na si WATANABE YUKI alyas KENJI SHIMADA at SHI SHIMADA ay nadakip sa isang 5-star hotel sa Paranaque City ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force (NBI-STF).
Batay sa impormasyong nakalap ng NBI-STF, si WATANABE YUKI ay international wanted fugitive at nasa ilalim ng Blue Notice ng in Interpol.
Si Yuki ay nagtatago sa Pilipinas dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen sa Japan at ba pang bansa.
Si Yuki ay “Big Boss” ng pinakamalaking telecommunication fraud syndicate na nag-ooperate sa Japan, Pilipinas at iba pang mga bansa.
Maliban kay Yuki, naaresto din ang dalawa niyang kasama na sina TOMONOBU SAITO at KOUSUKE II.
Bigo silang makapag-presenta ng passports at ACR sa mga tauhan ng NBI.
Nang isailalim sila sa RT PCR Test ay nagpositibo sa COVID-19 si Yuki.
Dahil dito, pinananatili muna sa isolation at quarantine ang tatlo at sasailalim sa re-swabbing.
Palalayain naman at hindi kasama sa kakasuhan si Kousuke II matapos maberipika na hindi siya overstaying alien dahil ang tourist visa niya ay valid pa hanggang katapusan ng kasalukuyang buwan.