National Tsinelas Day gugunitain bukas, May 27

National Tsinelas Day gugunitain bukas, May 27

Gugunitain bukas, May 27 ang National Tsinelas Day.

Ito ay bilang pag-alala kay dating Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo.

Sa May 27 ang ika-63 Kaarawan ng yumaong si Robredo.

Sa paggunita ng National Tsinelas Day ay mamamahagi ng mga tsinelas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pangungunahan ito ng Linking Engaging Active Pinoys (LEAP) – organisasyon ng Filipinos for good governance, kasama ang iba pang grupo sa ilalim ng The CSO Guild (TCG) ng Tindig Pilipinas.

Si dating DILG Sec. Robredo na naging alkalde rin ng Naga ay kilala sa kanilang “tsinelas leadership”.

Sa kaniyang pamumuno sa Naga, siya ay ginawaran ng Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2000.

Napagkalooban din siya Galing Pook Foundation’s citations.

Ayon kay Teddy S. Perena, over-all coordinator ng NTD, ang pamamahagi ng tsinelas ay isasagawa sa mahihirap na komunidad at charitable institutions sa 14 na mga luagr sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Perena, target nilang gawin ito taun-taon para panatilihing buhay ang legasiya ni Robredo.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *