P30M halaga ng mga sigarilyo nakumpiska sa Mindanao
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Cagayan De Oro ang P30 milyon halaga ng mga sigarlyo.
Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) – CDO Field Station Chief IO1 Oliver Valiente nakatanggap sila derogatory information mula sa national intelligence agencies tungkol sa nasabing kargamento.
Ang kargamento ay galing ng China at dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental noong May 20, 2021.
Nang magsagawa ng partial examination ay nadiskubre ang P30 million na halaga ng illicit cigarettes na idineklarang mga tsinelas.
Naka-consign sa isang Lorna Oftana mula General Santos City ang kargamento.
Sumasailalim na ito sa imbestigasyon sa salang paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).