Mahigpit na pagbabantay sa mga nagsasagawa ng party at iba pang super spreader events iniutos ni Eleazar

Mahigpit na pagbabantay sa mga nagsasagawa ng party at iba pang super spreader events iniutos ni Eleazar

Mahigpit ang tagubilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa lahat ng local police units na paigtingin ang pagbabantay sa mga nagsasagawa ng party at iba pang super spreader events.

Kasunod ito ng insidente ng pool party sa Quezon City kung saan umabot sa 54 sa mga dumalo ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang pool party at drinking session ay indinaos sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Paalala ni Eleazar sa mga police commanders dapat laging alerto at istriktong bantayan ang kanilang nasasakupan para maiwasan ang pagsasagawa ng mass gatherings at matiyak na nakasusunod ang publiko sa minimum public health safety standards.

Payo ni Eleazar sa mga police commanders, makipag-ugnayan sa kani-kanialng local government units, partikular na sa mga barangay.

Paalala naman ni Eleazar sa publiko, huwag magpaka-kampante kahit pa nagkakaroon na ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *