Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng halos 5,000; 39 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng halos 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, May 24 ay 1,184,706 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 4,973 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,115,806 ang gumaling o katumbas ng 94.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,666 na gumaling.
48,917 naman ang active cases o katumbas ng 4.1 percent.
19,983 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.69 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 39 pang pumanaw.