1 patay sa sinalakay na ilegal na tupada sa Valenzuela
Kinumpirma ng Philippine National Police ang pagkasawi ng isang lalaki sa sinalakay na ilegal na patupada sa Valenzuela City.
Ayon kay PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, batay sa ulat sa kaniyang district director sa Northern Police District, nagsagawa ng operasyon dahil sa reklamo na mayroong illegal cockfighting activity o tupada sa lugar.
Nang rumesponde ang mga pulis, naaktuhan ang ginagawang tupada na nagresulta sa pag-aresto sa tatlong katao at pagkakakumpiska sa mga panabong na manok at bet money na P1,340 ang halaga.
Pero habang nangyayari ang pag-aresto isa sa mga suspek ang pumalag at tinangkang kunin ang baril ng isa sa mga pulis.
Pumutok ang service firearm at tinamaan ang isa sa mga suspek na si Edwin Cabantugan Arnigo.
Dinala pa si Arnigo sa Valenzuela Medical Center pero idineklara din itong patay.
Ang isa sa mga pulis na may ranggong Police Senior Master Sergeant ay isinailalim na sa restrictive custody at dinisarmahan na habang ginagawa ang imbestigasyon.
Inatasan na ni Eleazar ang Internal Affairs Service na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa insidente at tapusin ito sa lalong madaling panahon.
Hiniling din ni Eleazar sa mga testigo na makipagtulungan sa pulisya