Publiko binalaan sa pagkakaroon ng pekeng FB page gamit ang pangalan ni Cardinal Jose Advincula

Publiko binalaan sa pagkakaroon ng pekeng FB page gamit ang pangalan ni Cardinal Jose Advincula

Nagbabala ang Archdiocese of Manila sa pagkakaroon ng pekeng Facebook page gamit ang pangalan ni Cardinal Jose Advincula.

Sa inilabas na notice ng Archdiocese of Manila na nilagdaan ni Fr. Reginald Malicdem, nakasaad na walang FB page si Cardinal Advincula.

Ayon sa notice, wala pang nililikhang FB page ang Archdiocese of Manila at Archdiocese of Capiz para kay Advincula.

Lahat ng opisyal na komunikasyon tungkol sa installation ni Cardinal Advincula ay inilalabas lamang ng Chancery ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng social media platforms nito na Archdiocesan Office of Communications, TV Maria, Radio Veritas, 500 Years of Christianity, Archdiocese of Manila at The Manila Cathedral.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *