Ilang personalidad na sangkot sa bentahan ng COVID-19 vaccine slot tukoy na ng PNP

Ilang personalidad na sangkot sa bentahan ng COVID-19 vaccine slot tukoy na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang personalidad na sangkot sa umano’y bentahan ng COVID-19 vaccination slots sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesman Police Brigadier General Ronaldo Olay na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nagsagawa ng imbestigasyon.

Tumanggi naman si Olay na magbigay ng iba pang detalye sa dahilang posibleng madiskaril ang kanilang hakbang.

Noong nakaraang linggo ay inatasan ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang CIDG na pamunuan ang pagsisiyasat sa umano’y patagong bentahan sa slot ng COVID-19 vaccine ng Pfizer matapos kumalat sa social media ang screenshots ng sinasabing “under the table” na bentahan.

Ilang indibidwal ang nagsabi na maaring makakuha ng vaccination slots sa ilang LGU sa halagang P8,000 hanggang P12,000.

Nabanggit sa mga mensahe ang mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan.

Tinawag naman ito ng mga alkalde ng dalawang lungsod na scam sa pagsasabing ang mga bakuna kontra COVID-19 ay ibinibigay ng libre. (Lea Soriano)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *