Filipino crew ng MV Athens Bridge pumanaw matapos tamaan ng India variant ng COVID-19
Isang Filipino Crew ng MV Athens Bridge pumanaw noong May 21 ayon sa DOH matapos tamaan ng B.1.167 (India Variant) ng COVID-19
Ayon kay Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang nasabing Filipino crew ay kabilang sa 9 na crew ng MV Athens Bridge na tinamaan ng India variant ng COVID-19.
Ang nasawi ay isang lalaking crew na residente ng Paranaque City.
Sa mga crew na nagpositibo, tatlo ang nagpapagaling pa habang ang iba ay pawang naka-recover na.
Sa ngayon ayon kay Vergeire, 12 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 India variant sa bansa.