2 patay sa operasyon kontra ilegal na droga sa Muntinlupa

2 patay sa operasyon kontra ilegal na droga sa Muntinlupa

Patay ang dalawang drug suspects sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Katarungan Village 1, Muntinlupa City.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 10kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P68-million ang halaga.

Sa ulat ni Police Brigadier General Remus B. Medina, Director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), kay PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nagresulta ang operasyon sa pagkasawi ng dalawang suspek na kinilalang sina Jordan Sabandal Abrigo at Jayvee De Guzman.

Nakumpiska din sa pinangyarihan ng engkwentro ang Nissan Cefiro na walang plaka, boodle money na nagkakahalaga ng P1.5 million, at dalawang cal.45 na baril na may mga bala.

Nabatid na ang dalawa ay miyembro ng “Divinagracia Drug Group” na pinamumunian ni Michael Divinagracia at isang alyas Jhonson na Chinese national at nakakulong sa New Bilibid Prison.

Sangkot ang grupo sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Metro Manila, Region 6 at mga kalapit pang probinsya.

Sinabi ni Eleazar na nag-ooperate din ang sindikato sa iba pang lugar sa Visayas at Mindanao at bumibiyahe sakay ng cargo trucks sa pamamagitan ng RORO.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *