51 residente ng QC na nag-pool party sa Brgy. Nagkaisang Nayon nagpositibo sa COVID-19

51 residente ng QC na nag-pool party sa Brgy. Nagkaisang Nayon nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Quezon City Local Government na 51 mula sa 610 na nag-pool party sa Brgy. Nagkaisang Nayon sa lungsd.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, batay sa ulat ng Based on the report by the City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), sa 610 na residente na isinailalim sa swab test 51 ang nagpositibo.

Hinihintay naman ang resulta ng swab test sa 18 iba pa.

Ayon kay Belmonte, mayroon ding 31 sa kanila ang naka-admit na sa iba’t ibang HOPE facilities sa lungsod.

Kasabay nito, nagbabala si Belmonte sa mga residente sa pagsasagwa ng mga kahalintulat na “superspreader” na aktibidad.

Lahat aniya ng mapapatunayang lumabag sa guidelines at mga ordinansa lalo na ang mga nagkukumpulan at nag-iinuman o nagka-karaoke ay iisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) at maaaring makasuhan sa ilalim ng RA 11332.

Kamakailan ay may nagsagawa ng improvised pool party at drinking session sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Simula noong May 14 ay isinailalim na sa lockdown ang nasabing komunidad.

Inatasan na ni Belmonte ang City Legal Department na imbestigahan ang mga opisyal ng barangay at alamin kung nagkaroon ba ng kapabayaan sa panig ng mga ito.

Upon the directive of the Mayor pursuant to Section 481.B.3.IV of the Local Government Code, the City Legal Department has issued a show cause order to the Punong Barangay.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *