Malalaking puno nagbagsakan dahil sa malakas na hangin at ulan na naranasan sa Caloocan

Malalaking puno nagbagsakan dahil sa malakas na hangin at ulan na naranasan sa Caloocan

Nakaranas ng malakas na hangin sa Bagong Silang, Caloocan City dahilan para mayroong mga puno na magtumbahan at may bahay na matanggalan ng bubong.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Naro Mantaring, mistulang nakaranas ng pananalasa ng ipo-ipo sa bahagi ng Holiday Island sa Phase 3, Bagong Silang.

Halos nag-zero visibility din bunspd ng malakas na buhos ng ulan at malakas na hangin.

Sa bahagi ng Brgy. 176 nagtumbahan naman ang ilang puno dahilan para mawalan ng suplay ng kuryente.

Sa kuha naman ng netizen na si Sef Briggz, isang puno ng Acasia ang bumagsak sa harap ng simbahan ng Our Lady of Guadalupe Parish sa Phase 4 Palmera Springs Subdivision Brgy. 175.

Isang nakaparang Hyundai SUV ang nabagsakan ng nasabing puno.

Pasado alas 2:00 ng hapon sinabi ng PAGASA na nakaranas ng malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at maraming kalapit na lalawigan dahil sa thunderstorms.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *