Religious gatherings sa NCR itinaas sa 30% ng venue capacity
Nagkasundo ang Metro Manila Council na itaas kapasidad ng pagdaraos ng religious gatherings sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa 10 percent venue capacity lamang na unang inaprubahan ng IATF ay itinaas ito sa 30 percent.
Base ito sa napagkasunduan ng mga Metro Mayor.
Samantala, kasama ding pinayagan ng IATF ang pagdaraos ng 9th Meeting of the ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve ng National Food Authority.
Ani Roque, ito ay dahil na maituturing na essential gathering ang naturang aktibidad.
Inaprubahan din ng IATF na makapagsagawa ng relocation activities sa mga informal settler families na apektado ng construction projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).