Tatlong state-of-the-art lighted ocean buoys inilagay ng PCG sa Philippine Rise
Nakapaglagay ang Philippine Coast Guard ng tatlong state-of-the-art lighted ocean buoys sa Philippine Rise.
Ang tatlong buoys ay ibinyahe gamit ang MV MORNING LIGHT mula sa Uni-Orient Pearl Ventures Inc. Shipyard sa Mandaue, Cebu patungo sa Philippine Rise.
Tumagal ng dalawang araw ang installation ng buoys.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral George V. Ursabia Jr, ang presensya ng buoys sa Philippine Rise ay layong ipabatid na ang vicinity waters ay bahagi ng special protected zone.
Ibig sabihin, bawal ang pagsasagawa ng mining and oil exploration sa lugar.
Ang mga inilagay na buoys ay mayroong modern marine aids sa navigation lanterns, specialized mooring systems, at remote monitoring system na gumagamit ng satellite technology para makapag-transmit data sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila.
Ayon sa PCG Maritime Safety Services Command (MSSC) pito pang state-of-the-art lighted ocean buoys ang darating sa bansa ngayong taon.
Ilalagay ito sa vicinity waters sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.