Sec. Tugade pinangunahan ang trial run sa LRT-2 East Extension Project

Sec. Tugade pinangunahan ang trial run sa LRT-2 East Extension Project

Nakapagsagawa na ng trial run sa LRT-2 East Extension Project.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) pinangunahan nina DOTr Secretary Arthur Tugade at LRTA Administrator Reynaldo Berroya ang inspeksyon at trial run sa Antipolo station.

Ito ay bilang paghahanda sa inagurasyon ng LRT-2 East Extension Project sa June 2021.

Ang dalawang bagong istasyon sa LRT-2 ay opisyal nang pinangalanan bilang Antipolo at Marikina stations.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, oras na maging operational na ang dalawang istasyon, ang travel time mula Manila hanggang Antipolo ay magiging 40 minutes na lamang, kumpara sa dating tatlong oras na biyahe sakay ang bus o jeepney.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *