Brand ng vaccine hindi dapat isama sa promosyon ng vaccination activities ng mga LGU

Brand ng vaccine hindi dapat isama sa promosyon ng vaccination activities ng mga LGU

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga lokal na pamahalaan na huwag ilagay ang brand ng bakuna sa kanilang promosyon ng vaccination activities.

Kasunod ito ng pagdagsa ng mga taong nais magpabakuna sa vaccination sites matapos malaman na Pfizer ang ibibigay na brand.

Ayon sa DOH, lahat ng COVID-19 vaccines na maisyuhan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas at epektibo.

Bago maipagamit ang bakuna, ang mga ito ay dumaan na sa matinding evaluation processes ng Department of Science and Technology, FDA, at mga vaccine expert groups.

Ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga ito ay ibinase sa mga available na datos at scientific evidence mula sa isinagawang global clinical trials.

Ayon sa DOH, lahat ng bakuna na available ngayon sa bansa ay ligtas gamitin, epektibo at makatutulong upang mapababa ang banta pagkakasakit at pagkasawi kapag nakumpleto ang doses.

Ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III, bagaman hindi mandatory ang pagpapabakuna ay hinihikayat nila ang publiko na magparehistro sa kanilang LGU at magpabakuna.

Ani Duque, ang best vaccine ay ang kung anong available sa ngayon, anuman ang brand nito.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *