Sitwasyon sa Israel at Gaza Strip patuloy na tinututukan ng DFA
Patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, Amman at Cairo ang sitwasyon sa Israel at Gaza Strip.
Handa rin ang DFA at mga embahada na tulungan ang mga Pinoy a maaapektuhan ng nagpapatuloy na kaguluhan.
Ayon sa DFA, mayroon nang nakalatag na evacuation plans na agad ia-activate kapag kakailanganin.
Sa ngayon sinabi ng DFA na wala pa silang ulat na natatanggap na mayroong Filipino casualties o nasugatan sa Gaza Strip o sa West Bank.
Ayon sa DFA, mayroong 29,473 na Filipino sa Israel at 91 ang Pinoy sa Gaza.
Sa ngayon ay nakataas ang Alert Level 1 sa Israel habang Alert Level 2 naman sa Gaza.