MMDA magpapatupad ng ban sa mga light truck sa EDSA at Shaw Blvd.

MMDA magpapatupad ng ban sa mga light truck sa EDSA at Shaw Blvd.

Ipatutupad muli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa light trucks sa kahabaan ng EDSA at sa Shaw Boulevard simula sa Lunes, May 24.

Sa abiso ng MMDA, sa ilalim ng pag-iral ng uniform light trucks ban, ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kgs. pababa ay bawal bumaybay sa EDSA mula Magallanes, Makati City hanggang North Avenue, Quezon City, Northbound at Southbound mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi.

Bawal din sila sa kahabaan ng Shaw Boulevard mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ang uniform light trucks ban ay paiiralin mula Lunes hanggang Sabado.

Lifted naman ito tuwing Linggo at kapag holidays.

P2,000 multa ang ipapataw sa mga lalabag sa kautusan.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *