Mga kampo ng PNP na pwedeng gawing vaccination sites pinatutukoy ni Eleazar

Mga kampo ng PNP na pwedeng gawing vaccination sites pinatutukoy ni Eleazar

Pinatutukoy ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Eleazar ang mga police camp na pwedeng magamit bilang vaccination site.

Inatasan ni Eleazar ang lahat ng Regional Directors at Provicial Directors sa bansa na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para maipagamit ang mga kampo bilang vaccination sites ng pamahalaan.

Kasunod ito ng inaasahang mas malawakang pagbabakuna sa mga susunod na buwan dahil sa pagdating ng mas maraming suplay ng bakuna.

Samantala, ayon kay Eleazar mayroong vaccination teams ang PNP na kinabibilangan ng 15 nurses na tutulong sa Quezon City LGU sa kanilang vaccination drive.

Sinabi ni Eleazar na handa rin ang iba pang miyembro ng Medical Reserve Force na tumulong sa vaccination process sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *