Mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Maynila tiyak na makatatanggap ng second dose – Moreno

Mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Maynila tiyak na makatatanggap ng second dose – Moreno

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na makatatanggap ng second dose ang mga nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso tiyak na ang second dose ng mga tumanggap na ng first dose.

Ito ay dahil nakapagtabi na ang Manila Health Department (MHD) ng mga vaccine vials para sa second dose.

“It’s a matter of policy in the City of Manila to reserve half of its total number of doses to guarantee that second dose vaccination will be done without any delay,” ani Domagoso.

Hanggang alas 12:45 ng tanghali ng Miyerkules (May 19) ay 60,801 na residente na ng Maynila ang fully vaccinated na.

Ang mga bakuna na available sa Maynila ay Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *