Mga bakuna ng AstraZeneca na malapit nang ma-expire ligtas pa ring gamitin

Mga bakuna ng AstraZeneca na malapit nang ma-expire ligtas pa ring gamitin

Ligtas pa ring gamitin ang mga AstraZeneca vaccine na nakatakdang ma-expire sa June 30 at July 31, 2021.

Pagtitiyak ito ng mga health at vaccine expert sa nagpapatuloy na pagbabakuna kontra COVID-19 gamit ang AstraZeneca vaccines.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga bakuna ay maiiksi lang talaga ang shelf life.

Anuman aniyang brand ng vaccine ang darating sa bansa, hindi talaga katagalan ang shelf life ng mga ito.

Pero ani Cabotaje, tiniyak ng Food and Drug Administration na stable ang mga bakuna.

Ibig sabihin, maari itong magamit at ligtas silang iturok.

Ayon naman kay Dr. Lulu Bravo ng UP College of Medicine, hindi naman ibibigay ang mga bakuna pagkatapos ng expiration date.

Ito aniya ang dahilan kaya kailangan talagang mabilis na mai-rollout ang bakuna.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *