102 na volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

102 na volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

Sa nakalipas na 24 na oras ay muling nakapagtala ng pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs nakapagtala ng 102 na volcanic earthquakes kabilang dito ang 86 ma episodes ng volcanic tremor na ang tagal ay umabot ng 1 hanggang 22 minuto.

Nakapagtala din ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes sa Main Crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 300 metro.

Noong Martes, May 18, ang sulfur dioxide emission mula sa bulkan ay umabot sa 3,256 tonnes per day ang average.

Magugunitang noong March 9 ay itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Taal Volcano.

Paalala ng PHIVOLCS, sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *