Breeder sheep at kambing mula Australia, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang mga biniling kambing at tupa ng Department of Agriculture (DA) mula sa iba’t-ibang farm sa Australia.
Ito ay sa ilalim ng proyekto ng DA-National Livestock Program (NLP) Bayanihan II project na Nucleus and Multiplier Breeder Farms for Poultry, Swine and Small Ruminants.
Dumating sa Clark International Airport ang mga kambing at tupa araw ng Martes, May 18, 2021.
Nagsagawa ng inspeksyon si DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Veterinary Quarantine Officer Dr. Ferdinand Montano sa tinatayang 250 breeder goats at 450 breeder sheep sa arrival area.
Ang mga ito ay dadalhin muna sa quarantine site sa Lubao, Pampanga kung saan sasailalim sila sa quarantine ng 30-araw.
Ang mga multiplier farms ng DA naman ang mangangasiwa sa pagpaparami ng reproduksyon ng mga hayop.
Layunin ng programa na pataasin ang kalidad at kapasidad ng produksyon ng mga DA farms ng BAI at Regional Field Offices (RFOs) upang mapataas ang lokal na produksyon ng poultry at livestock.