BREAKING: Municipal Health Office chief ng Montalban, Rizal inalis sa pwesto sa kasagsagan ng pagtugon sa pandemya

BREAKING: Municipal Health Office chief ng Montalban, Rizal inalis sa pwesto sa kasagsagan ng pagtugon sa pandemya

Tinanggal sa pwesto ang Municipal Health Office chief ng Montalban, Rizal na si Dra. Carmela Javier.

Sa gitna ito ng pagtugon sa pandemya ng COVID-19 at nagpapatuloy na vaccination program ng lokal na pamahalaan.

Sa nilagdaang kautusan ni Montalban Mayor Tom Hernandez, nakasaad na inilalagay si Javier bilang Medical Director sa COVID Quarantine PUI facility PRRC Building ng Colegio de Montalban.

Inatasan din si Javier na iturnover at iendorso ang lahat ng record at social media administration ng MHO, mga gamit at supply kay Dr. Hazel Montolo na itinalaga bilang acting MHO chief.

Wala namang nakasaad na paliwanag kung bakit inalis si Javier bilang pinuno ng MHO ng Montalban.

Sa pamumuno ni Javier, malaki ang naging pagbabago at pinagbuti ng sistema at health services sa Montalban.

Araw-araw ay mayroong libreng serbisyo sa Rural Health Office. Nailapit din ang health services maging sa malalayong barangay sa bayan.

Sa kasagsagan naman ng pandemya ay naging maayos din ang pagtugon ni Javier.

Sa kasalukuyan ay maayos ang proseso ng pagbabakuna sa Montalban, kabilang ang pagkakaroon ng drive thru vaccination na malaking ginhawa sa mga binabakunahan.

Una nang naging bali-balita noon na aalisin sa pwesto si Javier at magtatalaga ng iba ang LGU sa pwesto.

Maraming residente ang umalma at nagduda sa hakbang na ito ng lokal na pamahalaan na pagtatanggal ng MHO chief sa pwesto habang nasa kasagsagan ang bansa ng pagtugon sa pandemya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *