Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng mahigit 4,000; 110 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 4,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, May 18 ay 1,154,388 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 4,487 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,082,725 ang gumaling o katumbas ng 93.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,383 na gumaling.
52,291 naman ang active cases o katumbas ng 4.5 percent.
19,372 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.68 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 110 pang pumanaw.