Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at fiancé na si CamSur Gov. Migz Villafuerte magkaka-baby na
Eighteen weeks nang buntis si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.
Kinumpirma ito ni Peters sa kaniyang Instagram Post.
Si Peters ay matagal nang kasintahan ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
Sa Facebook page, ibinahagi ni Villafuerte ang larawan habang hawak ang tiyan ni Peters na may caption na “Magiging daddy na po ako”.
Taong 2019 nang maging engage ang magkasintahan, pero hindi natuloy ang kanilang kasal noong 2020 dahil sa pandemya.