Average daily reported cases ng COVID-19 bumababa na; pero kaso sa Visayas at Mindanao may bahagyang pagtaas

Average daily reported cases ng COVID-19 bumababa na; pero kaso sa Visayas at Mindanao may bahagyang pagtaas

Mula sa dating 10,406 average daily reported cases ng COVID-19 sa buong bansa, bumaba na ito sa 5,886 noong May 11 hanggang 17 ayon sa DOH.

Pero target ng pamahalaan na mapababa pa ito dahil noong Jan hanggang February ay 1,700 lamang ang average daily cases.

Ayon kay Director Alethea De Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, may pagbaba na din ng trend sa NCR Plus kung ikukumpara mula noong ipatupad ang ECQ.

Batay sa datos, Noong May 11 hanggang 17 ang average daily reported cases sa Metro Manila ay 1,417 na lang.

Bumaba na kumpara sa 5,325 noong March 30 hanggang April 5.

Gayunman ayon kay De Guzman, nakikitaan ng pagtaas ng kaso sa Visayas at Mindanao.

Partikular na tinututukan ng DOH ang Region 9 na ang Average Daily Attack Rate o ADAR ay malapit na sa high risk.

Binabantayan din ang pagtaas ng kaso sa Caraga, Region 10, Region 11, BARMM, Region 6 at Region 8.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *