Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng halos 6,000; 72 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng halos 6,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, May 17 ay 1,149,925 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,979 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,076,428 ang gumaling o katumbas ng 93.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,602 na gumaling.
54,235 naman ang active cases o katumbas ng 4.7 percent.
19,262 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.68 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 72 pang pumanaw.