Mga tauhan ng Coast Guard huli sa buy-bust operation sa Zamboanga City

Mga tauhan ng Coast Guard huli sa buy-bust operation sa Zamboanga City

Maliban sa kasong kriminal ay mahaharap din sa kasong administratibo ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naaresto sa ikinasang drug buy-bust operation sa Zamboanga City.

Mariing kinondena ni PCG Commandant, Admiral George V Ursabia Jr. ang pagkakasangkot ng nasabing mga tauhan sa drug-related activities.

Sa nasabing buy-bust operation, naaresto ng mga otoridad ang isang Petty Officer First Class (PO1) at Petty Officer Second Class (PO2), kasama ang isang guro.

Nakumpiska sa kanilang ilegal na droga na tinatayang P200,000 ang halaga.

Ayon kay Admiral Ursabia kung mapapatunayang guilty sa kaso, ang dalawang tauhan ay maaring ma-discharge sa serbisyo.

“The PCG must be a drug-free humanitarian armed service in support of President Rodrigo Roa Duterte’s war on drugs. I enjoin fellow Filipinos to report PCG personnel and other public servants who are involved in this felonious act. We strongly condemn drug-related offenses and assure you that offenders in the organization will face the consequences of their actions,” ani Ursubia.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *