Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng mahigit 5,000; 140 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, May 16 ay 1,143,963 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 7,790 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,069,868 ang gumaling o katumbas ng 93.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,541 na gumaling.
54,904 naman ang active cases o katumbas ng 4.8 percent.
19,191 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.68 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 140 pang pumanaw.