Dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang bata sa Bulacan hawak na ng PNP

Dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang bata sa Bulacan hawak na ng PNP

Nasa kostodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang bata sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang dalawang bata na edad 11 at edad 8 ay natagpuan sa liblib na kakahuyan noong May 12.

Hinala ng pulisya, ginahasa muna ang 11 anyos na babae bago pinatay.

Personal na nagtungo si PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa Bulacan para tiyakin sa pamilya ng mga baata ang mabilis na imbestigasyon sa kaso.

“Matibay ang mga leads at ebidensiya na hawak ng mga imbestigador natin na posibleng mag turo sa salarin. Hindi titigil ang PNP hangga’t hindi nakakamit ang hustisya sa kasong ito,” ayon kay Eleazar.

Pinaniniwalaang hinampas ng malaking bato ang ulo ng dalawa na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Sa isinagawang laboratory examination nakumpirma na ginahasa ang batang babae.

Gamit ang mga nakalap na ebidensya, natukoy ang isang Romeo Astelero Ruzon bilang person of interest sa kaso.

Nahanap si Ruzon sa Sampaloc, Maynila kung saan ito nagtatago.

Agad naman itong umamin sa ginawang krimen at itinuro pa ang isang Joel Sumulat, 51 anyos na kaniyang kasabwat.

Gayunman, nang magkaharap sina Ruzon at Sumulat, binawi ni Ruzon ang kaniyang testimonya at itinuro ang kaniyag step-son na si Alfredo Panuncio, 16 anyos na siyang nasa likod ng krimen.

Nang maaresto ay umamin si Alfredo sa krimen.

Nakatakda nang magsampa ng kaso ang Bulacan Police laban sa mga suspek.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *