Problema sa koordinasyon ng PNP at PDEA sa operasyon kontra ilegal na droga sosolusyunan ayon kay Eleazar

Problema sa koordinasyon ng PNP at PDEA sa operasyon kontra ilegal na droga sosolusyunan ayon kay Eleazar

Sosolusyunan ng Philippine National Police (PNP) ang problema sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga.

Ito ay para hindi na maulit pa ang nangyaring misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District at PDEA.

Ayon kay PNP chief, Police General Guillermo Eleazar, nakipagpulong siya kay PDEA Director General Wilkins Villanueva,

Maglalabas aniya ng operational guidelines ang PNP at PDEA tungkol sa mga napagkasunduan sa pulong.
Sinabi ni Eleazar na mahalaga na bago lumakad sa isang operasyon ang mga pulis ay mayroong koordinasyon sa PDEA.

Titiyakin din na hindi magsasabay ang operasyon ng PNP at PDEA sa iisang lugar.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *