Fort Santiago at Baluarte de San Diego sa Intramuros bubuksan sa mga turista simula bukas (May 17)

Fort Santiago at Baluarte de San Diego sa Intramuros bubuksan sa mga turista simula bukas (May 17)

Bubuksan na simula bukas (May 17) ang Fort Santiago at Baluarte de San Diego sa Instramuros, Maynila.

Sa inilabas na abiso ng Intramuros Administration, ang For Santiago ay bubuksan araw-araw mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 7:30 ng gabi.

Hanggang 200 persons at a time lamang ang ipatutupad na maximum capacity.

Samantala, araw-araw ding bubuksan ang Baluarte de San Diego mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Hanggang 100 persons naman at a time ang ipatutupad na maximum capacity.

Ang entrance fee para sa dalawang Intramuros Sites ay P75 sa adult, at P50 kung estudyante, PWD at senior citizen.

Tanging mga edad 18 hanggang 65 lamang ang pinapayagang bumisita.

Ang iba pang atraksyon sa Intramuros gaya ng Dungeons, Museo ni Rizal, Asean Gardens, at iba pa ay hindi pa bukas sa publiko.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *