PGH nanawagan ng donasyon matapos ang nangyaring sunog

PGH nanawagan ng donasyon matapos ang nangyaring sunog

Nanawagan ng emergency donations ang Philippine General Hospital (PGH) matapos ang insidente ng sunog Linggo (May 16) ng madaling araw.

Sa inilabas na abiso ng UP-PGH ang non-food donations ay maaring ipadala sa Nurses Home.

Hanapin lamang sina Boboy Gutierrez o Ed Christian Lopez, o ‘di kaya ay tumawag sa 0917-772-3947.

Para naman sa food donations, maaring dalhin sa PGH ORTOLL Reproductive Center.

Maari ding tawagan sina Dr. Michael Castillo (09565928892) o si Emelita Lavilla – dietary head ng ospital (0922-831-8994).

Kung cash donations naman, maaring tawagan ang cashier on duty na si Rose Acabado sa numerong 02-8554-0440 local 2016.

Maari ding magbigay ng cash donations online. Narito ang bank details:

BANK: Development Bank of the Philippines
ACCOUNT NAME: UPM-PGH Trust Liability Fund
ACCOUNT No.: 00-0-05028-410-8

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *