21 Filipino crew ng MV Athens Bridge patuloy na inaasistihan ng pamahalaan
Patuloy na binabantayan ng Maritime Sector ng Department of Transportation (DOTr) ang 21 Filipino crew ng MV Athens Bridge na galing ng India.
Noong May 7, ibinaba na ng barko ang mga crew na nagpositibo sa COVID-19.
Kabilang dito ang dalawang crew na kritikal ang kondisyon.
Maliban sa 4 na dinala sa ospital ang 8 iba pa ay dinala sa Bureau of Quarantine-assigned facilities.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA) sa ngayon mayroon pang siyam na crew na nag-negatibo sa COVID-19 ang nananatili sa barko.
Sa Biyernes (May 14) pa kasi naka-schedule sumampa ng barko ang mga makakapalitan nilang crew.
Sinabi ng MARINA na isasailalim muna sa masusing disinfection ang MV “Athens Bridge” bago ang pagsampa ng mga bagong crew.
Ang MV “Athens Bridge” ay nananatiling nasa quarantine anchorage area at gwardyado ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard. (Dona Dominguez-Cargullo)