Bagyong Crising lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA
Nagtaas na ng tropical cyclone wind signal number 2 ang PAGASA sa ilang mga lalawigan sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA, lumakas pa kasi ang bagyong Crising at ngayon ay nasa tropical storm category na.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 kilometers East ng Davao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion ng Surigao del Sur (Lingig, Bislig City)
– southeastern portion ng Agusan del Sur (Trento, Santa Josefa)
– northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga)
– northeastern portion ng Davao de Oro (Compostela, Montevista, Monkayo, New Bataan)
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– rest of Surigao del Sur
– rest of Agusan del Sur
– rest of Davao Oriental
– rest of Davao de Oro
– Davao del Norte
– Davao City
– eastern portion ng Bukidnon (Impasug-Ong, City of Malaybalay, Cabanglasan, San Fernando, Quezon, City of Valencia, Lantapan, Maramag, Dangcagan, Kitaotao, Don Carlos, Kibawe, Damulog)
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang bagyo ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte. (Dona Dominguez-Cargullo)