Comelec sisimulan na ang pagsasagawa ng regular public briefings kaugnay sa paghahanda sa eleksyon
Regular nang magsasagawa ng virtual media briefing ang Commission on Elections (Comelec) para mai-update ang publiko sa paghahanda ng poll body para sa 2022 national and local elections.
Sa May 14, 2021 itinakda ng Comelec ang unang virtual briefing nito na ibo-broadcast via livestream sa kanilang Facebook page.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, magbibigay ng welcome message si Comelec Chairman Sheriff Abas na susundan ng iba pang commissioners.
Si Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr. naman ang magbibigay ng update tungkol sa mga paghahanda sa eleksyon.
Bibigyang pagkakataon din ang media na makapagtanong. (Dona Dominguez-Cargullo)