Physical distancing mahigpit na pinairal sa pagsasagawa ng Morning Prayer sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila

Physical distancing mahigpit na pinairal sa pagsasagawa ng Morning Prayer sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila

Maagang nagtipun-tipon ang mga Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.

Ito ay para ipagdiwang ang Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

At dahil bawal ang mass gathering ang iba ay sa open air ginawa ang morning prayer sa bahagi ng Globo De Oro St.

May mga nakapasok din naman sa loob ng Golden Mosque pero 10 percent lang ng capacity nito ang pinayagan.

Ayon kay Manila Police District Dir. P/Brig. Gen. Leo Francisco, tinatayang 500 katao ang nakalahok sa morning prayer.

Nagpasalamat naman si Sultan Omar Sharif administrator ng Manila Golden Mosque sa presensya ng mga pulis upang mapanatili ang physical distancing sa aktibidad.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *