Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 397 kilometers southeast ng Sarangani alas 2:20 ng madaling araw ng Huwebes (May 13).
May lalim na 55 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.
Gayunman, ayon sa Phivolcs, maaring makapagtala ng aftershocks bunsod ng naturang lindol.
Miyerkules (May 12) ng gabi ay tumama rin ang magnitude 4.9 na lindol sa Sarangani.
Naitala ito alas 11:45 ng gabi sa 339 kilometers southeast ng Saragani. (Dona Dominguez-Cargullo)