Binabantayang LPA sa Mindanao naging bagyo na; Signal No. 1 nakataas na sa ilang lalawigan

Binabantayang LPA sa Mindanao naging bagyo na; Signal No. 1 nakataas na sa ilang lalawigan

Naging ganap nang bagyo ang Tropical Depression na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.

Pinangalanan itong Crising ng PAGASA na ikatlong bagyo sa bansa ngayong taon.

Ang Tropical Depression Crising ay huling namataan sa layong 405 kilometers East ng Davao City.

Taglay nito ang lakas ng hangig aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa sumusunod na mga lugar:

– Surigao del Sur
– Agusan del Sur
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao del Norte
– Davao City

Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte.

Posible rin itong mag-landfall sa bahagi ng Surigao del Sur o Davao Oriental mamayang gabi o bukas ng umaga.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *