20 babaeng biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI, mag-asawang Chinese arestado

20 babaeng biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI, mag-asawang Chinese arestado

Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawang Chinese National sa ikinasang operasyon sa ParaƱaque City.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC)- Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina MA. ANGELICA KONG at XIANGCE KONG.

Nagresulta din ang operasyon sa pagkakaligtas sa 20 babaeng biktima ng dalawang dayuhan. Dalawa sa kanila ay pawang menor de edad.

Nag-ugat ang operasyon sa natanggap na intelligence report ng NBI na may grupong sangkot sa prostitusyon at human trafficking.

Ibinu-book umano ng mga suspek ang mga babae para sa sexual services na ginagawa sa pamamagitan ng private group chats.

Pawang Chinese umano ang customer ng grupo.

Isang tauhan ng NBI-RIZDO ang nagpanggap na customer at nag-chat sa grupo sa pamamagitan ng mobile messaging app na TELEGRAM.

Agad nagpadala ng list of prices ang mga suspek at nag-alok ng sexual services.

Doon na nagkasa ng operasyon ang NBI para mailigtas ang mga biktima at mahuli ang mga suspek.

Dalawa sa mga na-rescue na biktima ay nagpositibo sa COVID-19 rapid antigen test.

Ang mga nailigtas ay nakasailalim muna sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng isinagawang RT-PCR tests sa kanila.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *