Linya ng Manila Water tinamaan ng contractor ng DPWH, ilang bahagi ng QC at Marikina mawawalan ng suplay ng tubig

Linya ng Manila Water tinamaan ng contractor ng DPWH, ilang bahagi ng QC at Marikina mawawalan ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Quezon City at Marikina City.

Ito ay makaraang tamaan ng contractor ng DPWH ang linya ng Manila water sa Katipunan Road sa Brgy. Escopa 3.

Magsasagawa ang contractor ng DPWH ng clearing operations sa lugar.

Batay sa abiso ng Manila Water simula alas 9:00 ng gabi ngayong Miyerkules (May 12) hanggang alas 6:00 ng umaga ng Huwebes (May 13) mawawalan ng suplay ng tubig ang sumusunod na mga lugar:

QUEZON CITY
Loyola Heights
Amihan
Marilag
Escopa 1, 2, 3 & 4
Blue Ridge A & B
Milagrosa
St. Ignatius
Libis
Bagumbayan

MARIKINA CITY
Industrial Valley Complex

Magtatalaga ng water tankers ang Manila Water para maasistihan ang mga customer na sa ngayon ay nakararanas na ng mahinang suplay ng tubig.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *