Dating Senador Antonio Trillanes IV inanunsyo ang pagnanais na tumakbo bilang presidente sa 2022 elections

Dating Senador Antonio Trillanes IV inanunsyo ang pagnanais na tumakbo bilang presidente sa 2022 elections

Inanunsyo ni dating Senador Antonio Trillanes IV na tatakbo siyang presidente sa 2022 elections.

Ayon kay Trillanes, dahil nagpasya si Vice President Leni Robredo na tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur sa 2022, nagdesisyon siya at ang Magdalo Group na siya na lang ang maging principal candidate for president ng 1SAMBAYAN Coalition.

Bago ito, si Trillanes ang ikinakasa bilang alternatibong kandidato kay Robredo sa 2022 Presidential elections.

Sinabi ni Trillanes na hihilingin niya at ng Magdalo ang nominasyon ng koalisyon.
Kung magpapasya aniya si Robredo na tumakbo bilang pangulo ay handa siyang magpa-ubaya at i-withdraw ang kaniyang kandidatura.

Sa ngayon ayon kay Trillanes, dahil ang pasya ng kampo ni Robredo ay ang tumakbo itong gobernador sa CamSur, kailangan na niyang maumpisahan ang preparasyon sa sa pagbuo ng mga polisiya sa iba’t ibang suliranin ng bansa.

Kabilang dito ang usapin sa pandemya, economic recovery, kahirapan, peace and order, korapsyon, universal health care at foreign policy.

Sinabi ni Trillanes na ang 2022 elections ang maituturing na pinakamahalagang halalan sa kasaysayan ng bansa matapos ang 1986 elections.

Ito ay dahil sa nakalipas na 5 taon aniya ay sinira ng “Duterte administration ang institusyon, ginawang bankrupt ang ekonomiya at pinalala ang kahirapan at korapsyon”.

Para maipanalo aniya ng oposisyon ang 2022 elections, sinabi ni Trillanes na kailangan niya ang tulong ng taumbayan.

Hiniling nitong ipakalat ang “katotohanan” sa kalagayan ng bansa.

“I am confindent, tatalunin natin sila. Once we win, we would then have the opportunity to rebuild our country and let our people finally enjoy the blessings of Democracy,” ani Trillanes.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *