Gobyerno dapat mamigay ng face mask sa mga hindi kayang bumili nito – Lacson
Dapat ay mamahagi ng libreng face mask ang pamahalaan sa mga walang kakayang makabili nito.
Pahayag ito ni Senator Panfilo Lacson matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga makikitang walang suot na face mask.
Ayon kay Lacson, bago ipatupad ang arrest order sa mga Pinoy na walang mask, dapat ay makapag-provide ang gobyerno ng libreng face mask sa mga walang kakayang makabili.
Magugunitang bilang tugon sa utos ng pangulo, sinabi ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar na bibigyan nila ng face mask ang mga makikitang walang suot nito.
Iniutos din ni Eleazar sa mga pulis na huwag pahihirapan at huwag ipapahiya ang mga maaarestong lumalabag sa minimum public health and safety protocols.