LPA sa bahagi ng Davao City binabantayan ng PAGASA
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Davao City.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 495 kilometers East ng Davao City.
Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA ang buong Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lamang ang mararanasan na may isolated na pag-ulan dahil sa easterlies at localized thunderstorms.