166 na volcanic eathquakes naitala sa Mt. Bulusan
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakalapgtala ng 166 na volcanic earthquake sa Mt. Bulusan.
Ayon sa Phivolcs, simula noong March 6 ay nakitaan ng pamamaga ang bulkan partikular sa upper slopes nito.
Noong Martes (May 11) ay itinaas ng Phivolcs and Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan.
Paalala ng Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 kilometers radius Permanent Danger Zone ng Mt. Bulusan.
Pinayuhan din ang Civil aviation authorities na na abisuhan ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa summit ng bulkan.