BI nagpatupad ng balasahan sa 430 na tauhan nito sa NAIA

BI nagpatupad ng balasahan sa 430 na tauhan nito sa NAIA

Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit 430 na opisyal nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga opisyal ay itinalaga sa mga bagong terminal assignments bilang bahagi ng kampanya ng ahensya laban sa korapsyon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 356 frontline immigration officers na nakatalaga sa NAIA ang isinailalim sa terminal rotation na magiging epektibo araw ng Miyerkules, May 12.

Maliban sa mga BI officers na nakatalaga sa immigration booths, binago din ang terminal assignments ng 79 na immigration supervisors.

Sinabi ni Morente na ito ay para maiwasan ang fraternization sa workplace na maaring apg-ugatan ng korapsyon.

Sinabi naman ni Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division (POD) chief, na layunin din nitong matiyak na mayroong sapat na manpower para mapagsilbihan ang traveling public.

Makatutulong din aniya ito sa kanilang mga tauhan para mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman bilang border control officers.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *